Archive for December, 2007

Session Road – Kung Kailangan Mo Ako

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Mayrong lungkot sa yong mga mata
At kay bigat ng yong dinadala
Kahit di mo man sabihin
Paghihirap mo’y nadarama ko rin

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo

At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma’y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo

At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma’y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako
… continue reading this entry.

Blue Ketchup – Kamusta Ka

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Kay tagal din nating ‘di nagkita
Ako’y nasasabik na sa iyo
Kumusta ka na nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
Ahaha ahaha ahaha ahaha ahaha la la

Sumulat ako upang malaman mong
Ako’y tapat pa rin sa iyo
May problema ka ba matutulungan ba kita?
Sa akin ay huwag kang mangamba
Ahaha ahaha ahaha ahaha ahaha la la

*Tandaan mo na lang ang sasabihin ko sa iyo
Ang pag-ibig kong ito’y ‘di magbabago
Kahit malayo ka sa piling ko
Umula’t bumagyo ayos lang
Huwag kang mangangamba ayos lang
Kumusta ka mahal ko ayos ba?
Sana’y di pa rin nagbabago

Ulitin *

Umula’t bumagyo ayos lang
Huwag kang mangangamba ayos lang
Kumusta ka mahal ko ayos ba?
Sana’y di pa rin nagbabago
Ahaha ahaha ahaha ahaha ahaha la la
… continue reading this entry.

Melany – Bakit Labis Kitang Mahal

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Mula nang makilala ka, aking mahal
’di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa ’yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo’y natatanaw

Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Pagka’t ang nais ko sana
Kapiling ka sa t’wina
Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa ’yo
Kapag ika’y kasama
Anong ligaya ko sinta

Refrain:
Bakit labis kitang mahal
Yakap mo’y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita

Mula nang makilala ka, aking mahal
’di ako mapalagay
Sa kakaisip ko sa ’yo
Lagi na lang ikaw ang alaala ko
Kahit nasaan ka man
Larawan mo’y natatanaw

Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Pagka’t ang nais ko sana
Kapiling ka sa t’wina
Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa ’yo
Kapag ika’y kasama
Anong ligaya ko sinta

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo’y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita

Bakit labis kitang mahal
Yakap mo’y di ko malimutan
Bakit labis kitang mahal
Sumpa man, iniibig kita
… continue reading this entry.

Imago – Bakit Ba Ganyan

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Bakit ba ganyan,
Ang ibig ko’y lagi kang pagmasdan?
Umula’t umaraw ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko’y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta.

Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo
Magmula nang kita’y makilala.

Bakit ba ganyan,
Kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika’y kausap na?
Ngunit lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa.

Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo
Magmula nang kita’y makilala (oh)

Ewan ko, bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan?
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako’y nagmamahal sa ‘yo
Magmula nang kita’y makilala.
(Bakit ba ganyan, hah)
… continue reading this entry.

Juan Pablo Dream – Bato sa Buhangin

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Kapag ang puso’y natutong magmahal
Bawat tibok ay may kulay at buhay
Ngunit kung ang pagsuyo’y lilipas din
Bagay kaya ang bato sa buhangin?

Chorus:

Kay hirap unawain
Bawat damdamin
Pangakong magmahal hanggang libing
Sa langit, may tagpuan din
At doon hihintayin
Itong bato sa buhangin

Ngunit kung ang pagsuyo’y lilipas din
Bagay kaya ang bato sa
… Buhangin

Chorus:

Kay hirap unawain
Bawat damdamin
Pangakong magmahal hanggang libing
Sa langit, may tagpuan din
At doon hihintayin
Itong bato sa
… Bu-hangin

Coda:
Bato sa buhangin
(Ooh-ahh)
… continue reading this entry.

Brownman Revival – Binibini

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Binibini sa aking pagtulog
Ika’y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa ‘yo

Alaala, at isip at pagod
Sa yo’y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi’t dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig
O kay ganda
O kay ganda mag-alay sa ‘yo
Hooh…

Bridge:
Sa ‘king tanong magkatutoo
Kaya sagot mo para nang sinadya

Pagsapit ng magandang umaga
Ako’y bumalikwas din
Panaginip naglaho’t natunaw
Nguni’t nar’yan ka pa rin
Paraluman, ikaw ay akin
Sa bisang lakas ng purong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa ‘yo
O kay ganda
O kay gandang mag-aly sa ‘yo

Binibini sa aking pagtulog
Ika’y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa ‘yo

Alaala, at isip at pagod
Sa yo’y binigay ko raw
Binibini, ang aking dalangi’t dasal
Dininig mo raw
Wika mo raw ay iingatan ka
Magpakailanman ang purong pag-ibig
O kay ganda o kay gandang mag-alay sa ‘yo
… continue reading this entry.

Color It Red – Kartada Diyes

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Wala pa pong lyrics eh…
Pa Share naman kung meron kayo…
Pa post na lang sa Comment box… ^_^ Tnx

… continue reading this entry.

AfterImage – Iduyan Mo

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at babalik sa isip ko
Nang dati na sa kandungan mo

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at pakikinggan ang awit mo
Sa liwanang ng buwan mahihimbing ako

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at mananaginip habang mundo’y tahimik
Tila agilang pilit maabot ang langit

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik,
Sana’y iduyan mo ang duyan ko muli

(Instrumental)

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik,
Sana’y iduyan mo ang duyan ko muli
… continue reading this entry.

Chilitees – Saan Ako Nagkamali

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Saan, saan ako nagkamali
Bakit ako ngayo’y sawi
Ba’t luha ang iyong sukli

Saan nagkamali ang puso ko
Upang ito ay iwan mo
Gayong ito’y tapat sa ‘yo

Nagsinungaling ba ako
O di kaya’y nagbago
Wala akong kasalanan sa ‘yo

Saan nagsara aking daan
Ngayo’y nagiisa na lang
Paa’y hindi maihakbang

Saan, ha-ah..
Saan, saan ako nagkamali
Oooh, ha-ah.. oh-hoh

Kung bakit ba pag-ibig ko
Upang pakisawaan mo
O di kaya’y nagkulang sa ‘yo

Saan sa puso mo’y mayroong puwang
Kahit kaunting pagmamahal
Ako’y munting malimusan
Saan
… continue reading this entry.

Swissy – Superstar Ng Buhay Ko

From the Album:
The Best of Manila Sound: Hopia Mani Popcorn 2

Kung alam mo lang
ikaw ang superstar ng buhay ko
di mo mapansin (di mo mapansin)
may crush ako sa’yo (aaahhh)
isang kindat mo lang
kinikilig na ako sa ‘yo

[chorus]
Ikaw ang superstar
ang star ng buhay ko
mahirap ma-inlab
sa isang katulad mo

[chorus]
Ikaw ang superstar
ang star ng buhay ko
mahirap ma-inlab
sa isang katulad mo

Ako ay dead sa ‘yo
di ko malaman ang gayuma mo
mayroon ka pang( mayroon ka pang)
yatang anting-anting (aaaahhh)
sa ‘yong pag smile
hinihimatay sila sa ‘yo

[chorus]
Ikaw ang superstar
ang star ng buhay ko
mahirap ma-inlab
sa isang katulad mo

[chorus]
Ikaw ang superstar
ang star ng buhay ko
mahirap ma-inlab
sa isang katulad mo

… continue reading this entry.

« Previous entries