Archive for Freddie Aguilar

Freddie Aguilar – Minamahal kita

Di ko malimutan
Ang iyong mga larawan
Ang iyong mga pangakong ako lang

Kahit nasaan ka man
Malayo o malapit man
Ang pag-ibig ko’y iyo lamang

Ika’y pangarap ko sa tuwina
Lagi kang laman ng isip
Ikaw ang siyang tibok n’yaring dibdib

Kahit na ano’ng mangyari
Ikaw at ikaw pa rin
Wala akong ibang iibigin

CHORUS
Lulubog, lilitaw
Ang buwan at araw
Patuloy pang lalakad ang panahon
Ako’y magmamahal sa ‘yo
Hindi ito magbabago
Pag-ibig ko’y laging laan lamang sa ‘yo
Minamahal, minamahal kita

Lagi kong hinahanap
Yakap mong anong sarap
Ang iyong mga matang nangungusap

‘Pag ikaw ay kapiling
Nalilimot ang sarili
Sana’y ‘wag nang matapos ang gabi

[Repeat CHORUS twice]

Minamahal, minamahal kita
… continue reading this entry.

Freddie Aguilar – Kumusta ka

Kumusta ka, aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Sana’y iyong naririnig
Baka ka magising

Mga gabing mapaglahad
Dinadaan sa awit
Nalulungkot kong damdamin
Naaliw na rin

CHORUS
Panaginip ko’y laging ikaw, sinta
Kahit na dilat yaring mata
Kahit na malayo ka’y parang kapiling ka
Mahal, kumusta ka

Malalim pa itong gabi
Malamig ang simoy ng hangin
Kung mayayakap lamang kita
Lamig ay ‘di madadama

[Repeat CHORUS]

Kumusta ka aking mahal
Sana ay nasa mabuti ka
Ako’y wag mong intindihin
Nakakaraos din
… continue reading this entry.

Freddie Aguilar – Ipaglalaban ko

Ikaw ang pag-asa
Nasa ‘yo ang ligaya
Sa piling mo, sinta
Iyon ang pagdurusa

Madilim na kahapon
‘Di ko na alintana
Dahil sa ‘yo, sinta
Buhay ko ay nagbago

CHORUS
Anuman ang mangyari, ‘di kita iiwan
Ipaglalaban ko ang pag-ibig mo
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko

[Repeat CHORUS]

Aanhin ko ang buhay
Kung hindi ka kapiling
Mabuti pang pumanaw
Kung hindi ka sa akin

[Repeat CHORUS twice]

CODA
Ipaglalaban ko hanggang sa dulo ng mundo
Ang ating pag-ibig, giliw ko
… continue reading this entry.

Freddie Aguilar – Bulag, Pipi at Bingi

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali
Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi

Madilim ang ‘yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan
H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

CHORUS
‘Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo
Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

[Repeat CHORUS]

AD LIB

Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay ‘di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

[Repeat CHORUS]

‘Di makita, ‘di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
… continue reading this entry.

Freddie Aguilar – Anak

Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo’y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo’y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila’y sinuway mo
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa’y para sa iyo
Pagkat ang nais mo’y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
At ang iyong mata’y biglang lumuha ng di mo pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo’y
Nalaman mong ika’y nagkamali
… continue reading this entry.