Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak
sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot
sa buong paligid t’wing umuulan

Kasabay ng ulan
bumubuhos ang ‘yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko’y lumisan pa
hanggang ang hangi’t ula’y tumila na

Buhos na ulan,
aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
‘Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri’y magpapaalam na
Maari bang minsan pa,
mahagkan ka’t maiduyan pa
Sakbibi ka’t ulan lamang ang saksi

Minsan pa ulan bumuhos ka’t
h’wag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo,
dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)

(Instrumental)

Maari bang minsan pa,
mahagkan ka’t maiduyan pa
Sakbibi ka’t ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan,
aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
‘Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka’t
h’wag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo,
dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

[kml_flashembed movie=”http://himig.net/loisel/eraserheads/tuwingumuulanatkapilingka.swf” height=”15″ width=”80″ fversion=”9″ useexpressinstall=”true” /]
Codes For Your Profile Or Site:

(Please post on comment box if this codes has an error or not working.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: