Flippers – Hindi ako iiyak

Kape’ng aking tinitimpla,
Lagi nalang lumalamig
Hindi ko malaman,
Kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo,
Sa ‘kin nakatitig
Ako’t siya’y naghihintay,
Masagi nang iyong bibig.

II

Buhok na mahaba,
Iniingat-ingatan ko
Nuong isang linggo,
Pinaputulan ko ito
Marahil ay pagod lamang,
Ang iyong isipan
At di mo napansin,
At hindi tinutulan.

( Chorus )

Huwag kang mag-alala,
Di ako iiyak
Hindi magdaramdam,
Kahit na ga patak
Ako’y pinulot mo,
Singdumi ng burak
Binigyang pangalan,
Itong aking anak.

III

Pintong dati-rati bukas,
Sa iyong pag dating
Ngayo’y nakasara,
At panangga sa hangin
Kapag ikaw ay dumalaw,
Ito ay katukin,
Kahit mahina lang,
Ito’y aking sasagutin.

IV

Kay linis ng silid,
Walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo’y,
Walang nag-hahanap
Sanggol na nasanay,
Akala ay ama
Gayong natutulog ito,
Kahit nag-iisa.

( Second Chorus )

Huwag kang mag-alala,
Di ako iiyak
Hindi magdaramdam,
Kahit na gapatak
Pag-ibig natin lang,
Sa iyo’y inalay
Sa tulad kong putik,
Tama na at sapat

[kml_flashembed movie=”http://himig.net/loisel/opm/hindiakoiiyak.swf” height=”15″ width=”80″ fversion=”9″ useexpressinstall=”true” /]
Codes For Your Profile Or Site:

(Please post on comment box if this codes has an error or not working.)

1 Comment »

  1. This song is for Ms.Maricel Landagan Montemayor of CWSLAI and Bacolod, Bato, Camarines Sur… Sa iyong paglisan ay hindi na ako iiyak; lagi ka lamang sanang mag-iingat; wag mo nang paglalaruan ang puso ng iba; ang ginawa mo sa akin ay tama na… matagpuan mo sana ang hinahanap mong ligaya.


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: