Gloc 9 – Hinahanap ng Puso

Pasensya na aking mahal
‘Di naman ako magtatagal
Nais ko lamang marinig mo
ang bawat nilalaman
Ng puso kong ito
Inaalay ko sa ‘yo
Dinggin mo sana mga
sinasabi ng awitin ko

Pilitin mang ibaling
At sa iba’y isalin
Ay ‘di malimot ang
halimuyak na hatid ng hangin
Nung una kang makita
Hindi makapaniwala
Parang panaginip at
langit aking nadarama

REFRAIN
Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig

CHORUS
Hinahanap ng puso ang pag-ibig mo
(makinig ka sana sa ‘kin)
‘Di ko malilimutan ang pagmamahal at ligaya na dala mo
(laman ng aking damdamin)
At kung saka-sakali na kaya mo pang ibalik
(sige na ‘wag ka nang mag-alinlangan)
Ang dating pagtingin sa puso kong nananabik pa sa iyo

Ngunit ngayon alam ko na
Sadyang magkaiba
Ano nga naman ang
‘di mo pwedeng makita sa kanya
Merong magarang kotse
Wallet na doble-doble
‘Di tulad ko na ‘di man
lang makapanood ng sine

Sana’y malaman mo
Na mawala man ako
Ay may pag-ibig na
laging gumagabay sa ‘yo
‘Di ka pababayaan
Laging aalagaan
Hanggang sa dulo ay
tunay aking naramdaman

[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS thrice]

Hoh hoo

[kml_flashembed movie=”http://www.himig.net/loisel/gloc9/hinahanapngpuso.swf” height=”15″ width=”80″ /]
Codes For Your Profile Or Site:

(Please post on comment box if this codes has an error or not working.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: