Crazy as Pinoy – Panaginip

Chorus:
Kung panaginip parang, ayaw ko nang magising pa
Pagkat nadarama’y ligaya
Lahat ng naisin mo’y aking ibibigay
Pagkat ikaw ay aking mahal

Verse 1:
Nagdidiwang na ang puso ko pag ako’y inaantok
Wala na ‘kong pakialam kahit papakin pa ng lamok
Kahit mainit, malamig basta’t napasandal
Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal
Well, ok lang alam ko naman
Na magkikita pa naman tayong dalawa
Sa may tagpuan tayo lang ang may alam
Maramdaman na kahit minsan na ako’y iyong mahal
Subalit nagising na lang ako
Na meron nang sumasakal
Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kita
Kahit sinasampal nila ako nakikita pa kita
Ano nga bang pinakain mo?
Bakit patay na patay ako?
Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko
Ipagtatapat sa yo ikaw lang ang aking pantasya
Sagutin mo lang ako ililibot kita sa Asya
Buong asyenda ipapamana sa iyo
Ok na sana ang lahat bakit ginising mo pa ako?

(CHORUS)

Verse 2:
Pagbigyan mo naman ako minsan na lamang hihiling
Pagkatapos naman nito patuloy kitang mamahalin
Wag mo namang palampasin ang gabing ito
Na di malinaw
Ipaliwanang mo nang mabuti pero wag mong isigaw
Napahiyaw pagkat nangyari ang aking inaasam
Kahit medyo suntok sa buwan
At least di na manghihiram
Kay gabonegro na may gawa
Ng matatamis na panaginip
Luluwang na ang paghinga ang puso’y di na maninikip
Pinapahigpit mo pa nga ang yakap
Ako nama’y tuwang-tuwa at ang milagro ngang ito
Sa isip ko walang-wala
Binalewala ang mga kantsaw
Na di raw tayo nababagay
Ako mismo di makapaniwala na sa ‘kin ka ka bibigay
Pinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa ‘kin ng Diyos
Kailanma’y di babastusin at susundin lahat ng utos
Hanggang mapaos aawitin sa nama’y iyong dinggin
At kung panaginip lang ito sana’y di na ko magising

(CHORUS)

Verse 3:
Dapat ko lang tapatan, taasan, higitan ng walang hanggan
Pagmamahal na inalay mo lubusan kong tutumbasan
Sabihin mo lang sige lang, sige lang bago tuluyang mabuang
Di na nga makapaghihintay
Pahalik naman isa lang, isa lang, isa lang
Hahahahahahaha! Hehehe!
Mababaliw yata ako sa tamis ng yong halik
Masasabik ako parate na ikaw ay makapiling
Pero this time baby, ako’y gising na gising na gising na gising
Na para bang duleng, para bang lasing na napraning
Sabihin mo lang kung saan patungo upang aking marating
Ang minimithi, abot-kamay
Walang-wala itong sablay
Handang-handa nang maghintay
Wala na sanang bibigay
Mamahalin habang buhay
Mamahalin kahit patay
Parang pilay na walang saklay kapag ika’y humiwalay
Mamamatay para sa iyo
Mabubuang para sa iyo
Mamamatay na lang ako kung panaginip lang ito

[kml_flashembed movie=”http://himig.net/loisel/rap-flash/panaginip.swf” height=”15″ width=”81″ /]
Codes For Your Profile Or Site:

(Please post on comment box if this codes has an error or not working.)

Leave a Comment »

  1. norvie Said:

    bakit ayaw naman magplay ng mga code ng songs?

  2. khai aiza hipulan Said:

    nice tlaga…i like it..


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: