Wag na muna – Gagong Rapper

CHORUS
[Khryzz]
Panaginip ko sa ‘yo giliw hanggang sa paggising
Nangingibabaw sa isip na ikaw ang kapiling
Sana’y ‘wag nang magbago pa ang puso kong ito
Sinisigaw ng damdamin na ‘wag ibigay sa ‘yo

[Yawzi]
‘Di makalimot oras ko’y umiikot
Sakit sa ulo ang mga naidulot
Lumilibot mga mata ko
Para humanap ng iba pero ‘di magawa ‘to

Nagulo na, sabi mo ‘wag na muna
Bat ‘di mo pa sinabi nung una
Nang ‘di na umasa ng ilang taon
Magbabago pa ba ang iyong desisyon

Tumamlay sa sinabi mo
Sumakit ang ulo ko
‘Di makakain kahit may nakahain
‘Di pinapansin ang pagkain

Mahalin ka is da best thing
Umibig is may favorite thang
Kaso nga lang ‘di magkatuluyan
Sa pagbalik ko sana ikaw pa’y andiyan

[Kilo]
Every mornin’, pagsapit ng umaga
Naaalala, kung kailan ba makakamit ang mga tala
Oh, bakit nga ba, mga tugon puro saka na
Gusto mang mawalan ng gana

‘Di ko magawa, laging tulala
Umaasa na puso mo’y mapana
Nang tuluyan nang magtagpo ang ating tadhana
Nang tumigil na ang panghaharana

[Repeat CHORUS]

[Baztosero]
You are mah booh, yah mah everythang
Kakanta na rin ako even I can’t sing
Piling ko ba ngayon ako ay mapapraneng
Pintig ng puso ko, pangalan mo dinadaeng

Hindi maisip kung saan ba nagkamale
Sabihin mo kung anong pagkakamale
Walang maisip at ako ay laging tulala
Laging nakatingin singkit mong mga mata

[Shock-Gie]
Kahit ‘di man ngayon, umaasa na kahit bukas
Pag-ibig ko na lampas sana akin nang mailabas
Nakabakas ang nakaraan at sumpaan
Kalimutan ka ay paano kung ika’y kailangan

‘Di mapigilan mata kong pagod sa pag-iyak
Pangakong binitawan sa iyo ito’y tiyak
At kung papatak ang luha ako ang s’yang pupunas
Sa kalungkutang dinaranas ako ang lunas, boo

[Repeat CHORUS]

[Khoolet]
Ako’y nawala, lumayo na nga sa piling mo
Sorry sa pangako, ngunit ‘di pa pwede maging tayo
Naging malabo, biglang dumami ang hadlang at kabilang
Iyong kahapon na ‘di maiwasan

At kahit masaktan pag-ibig ko muna ibabaon
Hangga’t sa dumating ang tamang panahon
At sa pagkakataon
Sana ‘di maglaon ang pag-ibig na pabaon

[Macwun]
Pangako sa isa’t isa, balang araw magsasama
Tayong dalawa sa tuwina kahit na nga maghintay na muna
Pangako sa iyo, ito’y totoo, walang halong biro
Kahit panaginip lang ito mahigit pa sa totoo

Katumbas nito mahal kita
‘Yan ay ‘wag mong kakalimutan
Kahit masaktan makamtan
At aking mahagkan

At malayo ka man sa isipan ay malapit
Lalong lumalapit kahit panaginip
Pero bakit kelangan pa to mangyari
Na kunwari para bang Hirayamanawari

Na ‘di ko na mawari at sari-sari
Na uri parang pinuri ng isang hari
Ako ang prinsepe at ikaw ang prinsesa
At balang araw darating din ang sopresa (sopresa, sopresa)

[Repeat CHORUS twice]

[kml_flashembed movie=”http://himig.net/loisel/gagongrapper/wagnamuna.swf” height=”15″ width=”81″ /]
Codes For Your Profile Or Site:

(Please post on comment box if this codes has an error or not working.)

Leave a Comment »

  1. lionheart Said:

    ok talaga mga rapper ng pinoy


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: