Radioactive Sago Project – Foodtrip

Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Bawang na China
Pechay na Malaysia
At tsaka meron pang
Presidenteng tanga

Itim na tanim
May dugo sa salamin
May dugo sa sandok
Mas mura ang banyagang manok
May libreng sakit

May dugo sa ‘yong kape
Pano ka nakakatulog sa gabi
Sibuyas na state side
Ubas na may cyanide
At salamat na lang
Sa gobyernong halang

Pansit na Hongkong
Italyanong tahong
At sa paligid-logid
Ay maraming tanong

Naku mare
Ang mura-mura na ng sibuyas ngayon
Naku mre
Ang mura-mura na ng bawang
Ang mura-mura na
Ang mura-mura na
Ang dali-dali ng maggisa
Ang dali-dali ng maggisa
Ang bansa natin dahan-dahang ginigisa
Ang taong bayan
Piniprito sa sariling dugo at pawis

Pero di bale, masarap naman
Masarap naman kung merong konting dugo
Kung merong konting dugo ang
Bigas, sibuyas, kamatis mais kamote
Ang sarap kumain ng murang-murang gulay
Ang sarap-sarap ding kumain
Ng murang-murang buhay

Patay na ang mga palayan
Habang nagtatabaan ang mga taga-malacañang
Naka-amerkano ang bandido
Ok lang, maganda naman ang merkado
Pero may dugo sa
Bigas, sibuyas, kamatis, mais, kamote

Nagugutom ka na ba?

[kml_flashembed movie=”http://himig.net/loisel/radioactivesago-flash/foodtrip.swf” height=”15″ width=”81″ /]
Codes For Your Profile Or Site:

(Please post on comment box if this codes has an error or not working.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: